^

Probinsiya

Tarlac PPO, best police organization sa Region 3

Pilipino Star Ngayon
Tarlac PPO, best police organization sa Region 3
Tarlac PPO director P/Col. Miguel Guzman

CAMP GEN. FRANCISCO MACABULOS, Tarlac City, Philippines — Tinanghal ang Tarlac Police Provincial Office (TPPO) bilang best police provincial office sa Region 3 (Central Luzon) na ika-6 na ngayong taon kamakailan.

Ayon kay Provincial director Col. Miguel Guzman, ang nasabing pagkilala ay nagpapakita ng dedikasyon ng kapulisan ng TPPO na panatilihin na payapa at maayos ang lalawigan ng Tarlac.

Nakuha ng TPPO ang mga parangal tulad ng Most Outstanding Provincial Community Affairs and Development Unit, Outstanding Provincial Community Affairs and Development Junior Police Commissioned Officer; and Outstanding Provincial Community Affairs and Development Senior Police Commissioned Officer, nitong nakalipas na Hulyo 30, 2024.

“Ang mga parangal na ito ay nakuha sa iba’t ibang factors,kasama na dito ang ugnayan ng opisina sa komunundad.Mahalagang factor na ang komunidad ay may tiwala para sumali sa pagsasawata ng krimen sa kanilang lugar,” wika ni Guzman.

Ang crime rate sa lalawigan ngayong taon na mula sa 2,869 crime incidents mula Enero hanggang Agosto 31 ng taon ay bahagyang bumaba kumpara noong 2023 ay nasa 2,981 crime incidents ay bumaba ng 112 incident o 3.76 percent.

Idinagdag pa ni Guzman na ang mayorya ng insidente ngayong taon ay naresolba dahil sa pagbibigay ng impormasyon ng komunidad sa mga insidente ng krimen kaya’t mabilis na naaaresto ang mga suspek.

“Kami ay lubos na nagpapasalamat sa Tarlac community sa kanilang walang sawang pagsuporta sa kapulisan at amin silang sinasaluduhan kaya naman ay hindi titigil ang Tarlac Police na lalo pang makamit ang mapayapang komunidad upang ang mga mamamayan ay mamuhay, makapagtrabaho at makapagnegosyo na walang pangamba dahil hindi titigil ang kapulisan na labanan ang krimen,” dagdag ni Guzman.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with