CAVITE , Philippines — Natangay ng dalawang suspek ang halagang 600 thousand na Monde Products na isinakay sa isang closed Van sa nagpanggap na ang mga suspek umano ang pi-pickup ng mga produkto upang ideliver sa Puregold Tagaytay subalit hindi ito naideliver at tuluyang tinangay, kamakalawa sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. Mabuhay, Carmona, Cavite.
Personal na nag-report sa pulisya ang negosyanteng biktima na siya ring nag-drive ng kanilang delivery van na kinilalang si Alfredo Montuerto, 36, ng San Lorenzo South, Malitlit Santa Rosa, Laguna.
Sa imbestigasyon ng pulisya, Setyembre 21 nang nakatakdang ideliver ng biktima ang may P600,000.00 na halaga ng Monde products sa Puregold Tagaytay mula sa Malvar, Batangas.
Bumabagtas si Montuerto kasama ang mga tauhan na sina alayas “Richard” at “Pedro” sakay ng delivery truck patungo na sa nasabing destinasyon, nang di umano’y may nakausap ang dalawang tauhan na may pi-pickup na ng nasabing mga produkto at sila na umano ang magde-deliver sa Puregold.
Nang magkita-kita, may iniabot umanong resibo ang mga suspek na patunay na out for delivery na ang mga produkto. Isinakay umano ang mga produkto sa isang closed van na may plate number CBN 6893 na minamaneho ng isang lalaki at may kasamang isang babae.
Gayunman, napansin umano ni Montuerto na tila peke ang ibinigay sa kanyang resibo kaya dito na siya nagduda at agad tumawag sa lokasyon ng pagdedeliberan ng produkto kung nakarating na ito, subalit walang dumating na delivery.
Dito na humingi ng tulong sa mga barangay official ang negosyante at inaresto ang kanyang dalawang tauhan na sina alyas “Richard” at “Pedro” na kapwa nahahrap sa kasong theft.
Pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawang kasabwat ng mga suspek na siyang tumangay ng delivery.