^

Probinsiya

Senior citizen dedo sa salpok ng kotse

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 67-anyos na lolo matapos na mabangga ng isang pulang kotse na minamaneho ng nurse na napaidlip habang nagmamaneho sa kahabaan ng Rizal Street, Legazpi City, Albay. kahapon ng umaga.

Agarang nasawi dahil sa mga sugat at bali sa katawan ang biktima na kinilala lamang sa pangalang Ramon, residente ng Brgy. Lapu-lapu. Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng nakabanggang sasak­yan na kinilala lamang sa alyas na Alvin, 35-anyos, ng naturang lunsod.

Sa ulat ni Legazpi City Police Station chief investigator Executive Master/Sgt. Carlo Paña, naglalakad umano sa tabi ng kalsada ang matanda nang mabangga ng kotse na minamaneho ng nurse.

Sa lakas nang pagkakabangga ay duguang tumalsik ng ilang metro ang biktima na agaran nitong ikinamatay.

Lumalabas sa imbestigasyon, bago nabangga ang biktima ay unang sumalpok ang kotse sa isang poste ng kuryente saka dumeretso ito sa naglalakad na biktima.

Inamin ng suspek na nasa kostudya na ng Legazpi City Police Station na nakatulog siya habang nagmamaneho dahil sa pagod at puyat galing sa pag-duty sa isang hospital dahilan ng aksidente.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with