Higit 1.3K katao na apektado ng oil spill sa Bataan, makikinabang sa TUPAD
MANILA, Philippines — Mahigit sa 1,300 katao na apektado ng oil spill sa Bataan ang inaasahang makikinabang sa Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon sa DOLE, naglaan sila ng kabuuang P45 milyon para sa emergency employment ng may 1,357 indibidwal na direktang naapektuhan nang pagtagas ng langis sa Bataan, bunsod nang paglubog ng dalawang motor tanker at pagsadsad naman ng isa pa.
Sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na ang mga benepisyaryo sa lalawigan ay pagkakalooban nila ng pansamantalang pagkakakitaan sa ilalim ng programa, sa loob ng maximum na 20-araw.
Aniya pa, tutulong din ang mga ito sa clean-up operations sa aftermath effects ng bagyong Carina at Habagat.
- Latest