3 volcanic earthquakes naitala sa Taal Volcano

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na tatlong volcanic earthquakes sa Taal Volcano ang naitala sa nakalipas na 24 oras.

Ang mga lindol noong Linggo ay sinamahan ng pagyanig ng bulkan na tumagal ng tatlo hanggang apat na minuto.

Pinaalalahanan naman ng ahensya ang publiko na nanatili sa abnormal na kondisyon ang nasabing bulkan.

Ang Taal Volcano naman ay nasa Alert Level 1 pa rin, ayon sa PHIVOLCS.

Show comments