^

Probinsiya

Turista utas sa ‘jumping balloon’ sa Cebu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 43-anyos na babae ang namatay matapos maaksidente sa isang water activity na ‘jumping balloon’ noong Hulyo 11 sa Olango Island, Lapu-Lapu City, Cebu.

Naratay pa sa ospital ng walong araw ang biktimang si Catherine Paypa Egam, mula Cagayan de Oro City bago tuluyang bawian ng buhay nitong Biyernes.

Unang dinala sa Sta. Rosa Hospital ang biktima na inilipat sa Chong Hua Hospital sa Cebu City tsaka dinala sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na sinubukan ni Egam ang “jumping balloon” ng Pinkys Floating Cottage Rental sa Sitio Basdako, Brgy. San Vicente, Olango Island.

Sa naturang water activity, nakahiga sa unahang bahagi ng inflatable balloon ang biktima kung saan tumalon sa hulihan ng inflatable balloon ang isang staff ng resort na si Jford Ontong.

Tumalbog pataas si Egam subalit hindi ito nahulog sa tubig at sa halip ay muli itong bumagsak sa inflatable balloon na una ang ulo.

Nawalan ng malay ang biktima at saka bumagsak sa tubig.

Una siyang dinala sa Sta. Rosa Community Hospital at kalaunan ay inilipat sa isang pribadong ospital sa Cebu kung saan siya namatay.

Kaugnay nito, personal namang inihain ni Lapu Lapu City Mayor Junard Chan sa Pinky’s Floating Cottage ang cease and desist order bunsod ng nasabing aksidente.

Ininspeksiyon din ni Chan ang resort at nakapagpakita ng business permit maging ang waiver mula sa biktima bago sumubok ng naturang extreme water sports activity.

Nangako naman ang pamunuan ng resort na sasagutin ang medical at burial expenses ng biktima.

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with