^

Probinsiya

OFW kinatay ng selosong live-in partner

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang overseas Filipino worker (OFW) makaraang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng kanyang live-in partner dahil sa selos nitong Biyernes sa Purok Rizal, Barangay Talaban, Himamaylan City, Negros Occidental.

Kinilala ni PLt. Col. Anthony Grande, Hima­maylan City police chief ang biktima na si Rose Ann Gahito, 29-anyos, habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Jay-R Dela Rosa, 32, na nahaharap sa kasong murder.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na dakong alas-5 ng hapon nitong Biyernes nang umuwi ang biktima sa kanilang bahay upang kunin ang kanyang mga gamit. Dito ay bigla na lamang pinagsasaksak ng suspek ang biktima sa dibdib, tiyan at leeg gamit ang jungle knife.

Nakita naman ng isang concerned citizen ang ginagawang pananak­sak ng suspek at pag­hingi ng tulong ng biktima.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktima.

Bago ang pangyayari, nagharap sa barangay ang biktima at suspek para sa custody ng kanilang tatlong anak.

Matapos ang pag-uusap, naunang umalis ang suspek na sinundan naman ng biktima.

Napag-alaman na kadarating lamang sa bansa ng biktima galing Saudi Arabia kung saan nagtrabaho siya sa loob ng dalawang taon.

Hinala ng suspek, may iba nang karelasyon ang biktima dahil na rin sa mga larawan na naka-post sa social media account ng huli sanhi ng kanyang pagseselos.

vuukle comment

NEGROS OCCIDENTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with