^

Probinsiya

8 iniwang patay ni Butchoy, ‘habagat’

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bunsod ng malawakang pagbaha at landslide dulot ng bagyong Butchoy at habagat, umakyat na sa walo katao ang nasawi, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, isang 22-anyos na lalaki ang nalunod sa Brgy. Damalasak, Pagalungan, Maguindanao del Sur. Una nang inulat ng NDRRMC na lima ang kumpirmadong patay kung saan apat sa Zamboanga City dahil sa landslides at isang 47-anyos na babae ang nalunod sa Maramag, Bukidnon. Sumasailalim pa sa beripikasyon ang dalawang iba pa.

Samantala, idineklara ang state of calamity sa bayan ng Kabacan at Pikit, Cotabato dahil sa patuloy ng pagsama ng panahon.

Nasa 636,110 katao o 131,388 pamilya na ang apektado ng bagyong Butchoy at habagat kung saan tinatayang 384,000 indibidwal o 77,000 pamilya ang nawalan ng tirahan at ngayo’y nanunuluyan sa mga evacuation centers at kanilang mga kamag-anak.

Pumalo na rin sa P8.29 milyon ang pinsala sa agrikultura sa regions Zamboanga Peninsula (Region 9) at Northern Mindanao (Region 10). Naipamahagi naman ng gobyerno ang nasa P21.57 milyong halaga ng tulong sa mga apektadong indibiduwal.

Tiniyak ng pamahalaan na handa na rin sila sa epekto ng tropical storm “Carina” na huling namataan sa 545 km East ng Casiguran, Aurora nitong Sabado.

vuukle comment

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with