^

Probinsiya

22-anyos ‘drug queen’, timbog sa P10.2 milyong shabu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
22-anyos �drug queen�, timbog sa P10.2 milyong shabu
Kinilala ang suspek na si Annabel Cabellon Cabriana alyas “Kulot”, 22-anyos, at residente ng Sitio Hawod, Barangay Bulacao, Talisay City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Umaabot sa P10.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa isang tinaguraing “drug queen” at bigtime “tulak” sa isinagawang buy-bust ope­ration kamakalawa ng umaga sa Brgy. Bulacao, Talisay City, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Annabel Cabellon Cabriana alyas “Kulot”, 22-anyos, at residente ng Sitio Hawod, Barangay Bulacao, Talisay City.

Batay sa report, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Tali­say City Police Station sa Yongco Compound, Brgy. Bulacao, Talisay City, Cebu bandang alas-12:48 ng umaga nitong Biyernes.

Bago ito, sumailalim sa isang linggong surveillance si Cabriana hanggang sa makumpirma ang tip.

Nakuha kay Cabriana ang nasa 15 malala­king supot ng shabu na may timbang na 1.5 kilo at nagkakahalaga ng P10,200,000.

Sa record ng pulisya, nagsimulang sumabak sa illegal drug business si Cabriana noong 2022 sa paunti-unti hanggang lumawak ang bentahan sa dalawang kilo kada linggo sa Brgys. Bulacao, Candulawan, Tabunok, Lagtang at San Isidro sa Talisay City at ilang lugar sa Cebu City.

Ipapasa ang nakum­piskang drug evidence sa Cebu Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination.

Nasa kustodiya na ng pulisya suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with