^

Probinsiya

Kumander ng NPA arestado sa Masbate

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Kumander ng NPA arestado sa Masbate
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

San Jacinto, Masbate, Philippines — Kalaboso ang panga­lawang pinakamataas na kumander ng New People’s Army sa lalawigan ng Masbate matapos mahuli ito sa ginawang arrest warrant operation sa Poblacion ng bayan ng San Jacinto, dito sa lalawigan, kamakalawa ng tanghali.

Nasa kustodya na ng San Jacinto Municipal Police Station ang suspek na kinilala lamang sa alyas nitong “Ka Ador”, vice-commanding officer ng Larangan 4 Guerilla fighter ng NPA Sub-Regional Committee 4 na may malawak na operasyon sa naturang lalawigan.

Sa ulat ng Camp Gen. Simeon Ola, alas-12 ng tanghali nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis sa kinaroroonan ng umano’y lider ng mga komunista dahilan para agad bumuo ng arresting team ang Masbate Provincial Police Office.

Bitbit ang warrant of arrests na inilabas ng korte laban kay “Ka Ador” dahil sa mga kaso ng murder at frustrated murder ay agad nilang sinalakay ang pinagtataguan nito. Hindi na nakapalag pa ang suspek na kusang sumama na lamang sa mga umarestong pulis.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with