LAGUNA, Philippines — Idineklara ng pamunuan ng Polytechnic University of the Philippines-San Pedro ang pansamantalang pagkansela ng eksaminasyon ng mga estudyante dahil sa napaulat na bomb threat sa paaralan ng Unibersidad noong Biyernes.
Sinabi ni Lt. Col. Jaime Federico Jr. San Pedro police chief na ang bomb threat ay negatibong resulta matapos ang mga operatiba ng EOD (Explosive Ordinance Division) kasama ang mga lokal na awtoridad at K9-dogs ay nagsagawa ng sabay-
sabay na operasyon sa paghahanap mula sa bawat silid at gusali.
Sinabi ni Federico na ang bomb threat ay ipinasa ng email address na dathu datubuana gmail.com sa email addresscsc.pupspc1 gmail.com, isang opisyal na email address ng PUP San Pedro Student Council.
Ang banta ng bomba ay iniulat ng isang Johncel Tawat, 28, isang propesor sa himpilan ng pulisya noong Biyernes dakong alas-6:30 ng gabi.
Matapos ang tatlong oras na naghahalughog sa buong campus, idineklara ang mga operatiba ng EOD at lokal na pulisya na walang bomba sa lugar ng paaralan.
“It’s a frank or false, may schedule noong July 19 to Aug. 10 for examination of the students, We suspected that there is someone or somebody want to postpone the examination,” ani Federico.
Aniya, nakikipag-ugnayan na ngayon ang mga imbestigador sa anti-cyber crime unit 4A para tuklasin kung saan nanggaling ang bomb threat.