79 Chinese inaresto ng NBI sa Bulacan raid

Ayon sa impormas­yon, mula sa nasabing bilang na hinuli, 36 Chinese ay pawang undocumented habang 23 ang may mga tourist visa at ang iba ay dokumentado.
Boy Santos, file

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Nasa 79 Chinese national kabilang ang mga opisyal na nagtatrabaho sa isang kumpanya ang hinuli sa magdamagang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Brgy. Sto. Cristo kamakalawa ng gabi.

Ayon sa impormas­yon, mula sa nasabing bilang na hinuli, 36 Chinese ay pawang undocumented habang 23 ang may mga tourist visa at ang iba ay dokumentado.

Katuwang ng NBI ang Presidential Anti Orga­nized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration (BI) sa magdamagang operas­yon at sila ay dinala para inimbestigahan ang mga nahuling Chinese nationals sa tanggapan ng NBI Headquarters sa Quezon City.

Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng intelligence report ang NBI- Bulacan District Office na may kumpanya sa lalawigan na pinamumugaran ng mga dayuhan na walang kaukulang dokumento.

Sinasabing ang kumpanya na pinamumugaran ng mga Chinese ay pagawaan ng “water pipe” para sa isang water concessionaire na itinuturing na paglabag sa karapatan ng mga Pinoy sa usa­ping paggawa.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

Show comments