3 kasapi ng armed lawless group patay sa engkwentro

Sa report ng Joint Task Force Central, nakatanggap ng impormasyon ang 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army hinggil sa presensya ng mga armadong kalalakihan sa Camp Española, Purok Salol, Barangay Palkan, Polomolok, South Cotabato.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong kasapi ng armed lawless group ang napatay matapos makasagupa ang 5th Special Forces Battalion at Polomolok Municipal Police Station sa South Cotabato nitong Martes.

Sa report ng Joint Task Force Central, nakatanggap ng impormasyon ang 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army hinggil sa presensya ng mga armadong kalalakihan sa Camp Española, Purok Salol, Barangay Palkan, Polomolok, South Cotabato.

Agad rumesponde ang mga otoridad kung saan pagdating ng tropa sa lugar agad nagpaputok ang nasa 8 kalalakihan at gumanti naman ng putok ang mga otoridad na nag­resulta sa pagkasugat ng 1 pulis.

Tumagal nang dalawampung minuto ang putukan na nagresulta sa pagkakasawi ng 3 rebelde at pagkakarekober ng matataas na kalibre ng baril.

Show comments