Mister, pinasalubungan ng granada ang misis na ‘nagger’

MANILA, Philippines — Ipinaaresto ng isang misis ang kanyang lasing na mister matapos na siya ay pasalubungan ng granada sa pag-uwe nito sa bahay sa Barangay Nalubunan, Quezon, Nueva Vizcaya.

Sa ulat, lango sa alak ang mister na banas na umano sa kaniyang misis sa tuwing sinisita siya nito at tinatalakan kapag umuuwi siya ng lasing.

Kaya nang mala­sing at umuwi naisipan umano ibigay ng mister sa misis ang napulot na granada noon sa isang ilog.

Sa takot, kaagad na nagsumbong ang misis sa pulisya at ipinaaresto ang mister at isinuko ang hawak na Granada na mabuti na lamang ay hindi sumabog.

Show comments