LUCENA CITY, Philippines — Nagkaloob si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., First Lady Louise “Liza” Marcos, at Department of Health (DOH) ng Bagong Pilipinas Mobile Clinic para sa lalawigan ng Quezon.
Personal na tinanggap ni Governor Doktora Helen Tan ang bagong mobile ambulance sa isinagawang programa kamakalawa, Hulyo 17 sa Tagaytay City kung saan ay natanggap din ito ng 16 pang probinsya sa Pilipinas.
Malaking tulong ito upang patuloy na mailapit ang serbisyong pangkalusugan para sa mga taga lalawigan na naninirahan sa malalayong lugar lalo’t higit ito ang pangunahing layunin ng gobernador ng lalawigan ng Quezon.
Kargado ang bagong mobile clinic ng ilang medikal na kagamitan gaya ng ultrasound, X-ray, cholesterol and glucose monitors, 12-lead ECG, clinical hematology analyzer, microscope, spirometer, infrared forehead thermometer at generator.