Transwoman minartilyo ng selosong bf, patay!

Basag ang bungo ng biktima na kinilalang si Kent Lubaton, 30-anyos, nang matagpuan sa loob ng kanyang kuwarto sa Bago Aplaya, Davao City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang transwoman matapos umanong martilyuhin sa ulo ng kanyang selosong nobyo noong Linggo ng hapon sa Davao  City.

Basag ang bungo ng biktima na kinilalang si Kent Lubaton, 30-anyos, nang matagpuan sa loob ng kanyang kuwarto sa Bago Aplaya, Davao City.

Arestado naman sa  follow-up operation ng mga awtoridad ang suspek sa Malalag, Davao del Sur na nagtago matapos ang pamamaslang.

Bago ito, lumilitaw na nakita pa ng ilang saksi nitong Sabado ng  gabi na nag-iinuman ang bikti­ma at suspek sa bahay ng  una.

Kinabukasan ay napansin ng saksi na nagmamadaling umalis ng bahay ang nobyo ng biktima.

Wala namang komosyon o alitan sa pagitan ng dalawa bago matagpuang patay ang biktima.

Sa pagsisiyasat ng Davao City police, selos  ang  nakikita nilang motibo dahil kinumpronta umano ng suspek ang live-in partner na biktima sa pagiging malapit nito sa ibang lalaki.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek.

Show comments