Lalaki naburyong, bahay sinunog

MANILA, Philippines — Dala umano ng pagkaburyong dahil sa matinding kalasingan, sinunog ng lalaki ang kanyang sariling bahay sa Nueva Vizcaya noong Linggo.

Kinilala ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), ang suspek na si Emilio Rivera, 47, ng Brgy. Lamo, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Batay sa ulat ng NVPPO, mag-isang umiinom ng  alak si Rivera at naghihintay ng makakasama nang biglang nagwala.

Inaway nito ang kanyang live-in partner at kumuha umano ng gasoline saka ibinuhos sa kanilang bahay at sinilaban.

Agad na humingi ng tulong sa Dupax del Norte-Bureau of Fire Protection ang mga kapitbahay ni Rivera na agad namang rumesponde.

Tinupok ng apoy ang bahay ng suspek dahil gawa lamang ito sa mga lumang kahoy.

Agad namang naa­pula ang sunog habang tumakas ang suspek na tinutugis ng mga mga awtoridad.

Show comments