Higit P64 milyong naipamahagi sa Leyte ayuda caravan

MANILA, Philippines — Umaabot sa P64.84-milyong halaga ng ayuda ang naipamahagi  sa mga residente sa pagpapatuloy ng ayuda caravan ng gobyerno na nasa ikalawang Linggo na nitong Lunes sa lalawigan ng Leyte .

Ang ayuda caravan ay pinamumunuan ng tanggapan ni Speaaker Martin Romualdez na namahagi ng payojt sa Brgy. 96 Calanipawan, Tacloban City kung saan nasa tig P6,000 cash sa ilalim ng Ayuda Para sa mga Kapos ang Kita (AKAP) program ang naipamahagi sa 938 benepisyaryo na aabot sa kabuuang P5.628 milyon.

Sa isinagawang magkakasunod na rollout ng benepisyong Ayuda na isinagawa sa Civic Center sa munisipyo ng Alangalang nasa 2,000 mga kuwalipikadong residente ang nakatanggap ng P4,050 bawat isa sa loob ng 10 araw o nagkakahalaga ng kabuuang P8.1-M sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Wor­kers (TUPAD) Program of the Department of Labor and Employment (DOLE).

“As President Ferdinand R. Marcos, Jr. said, no one should be left behind in our ‘Bagong Pilipinas.’ In line with this principle, we have launched this aid caravan to deliver available assistance to disadvantaged residents of the province,” saad ni Romualdez.

“We are aware that many of them don’t have the means to travel to the concerned government agencies in urban centers so we adopted the principle of Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, which brings government services to the doorsteps of our people,” anang Speaker.

Pinasalamatan ni Romualdez ang Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) at DOLE sa kanilang tulong sa Office of the Speaker para patuloy na mabigyan ng karampatang tulong ang mga nangangailangan ng ayuda.

Show comments