^

Probinsiya

1 pang convenience store sa Cavite hinoldap ng 2 naka-face mask

John Unson - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isa na namang convenience store sa lalawigang ito ang hinoldap ng dalawang armadong lalaki at natangay ang kinita ng tindahan, kamakalawa sa Brgy. Mambog 2, Bacoor City.

Sa ulat ng pulisya, alas-6:09 ng umaga nang pasukin ng dalawang nagpanggap na customer ang Alfamart sa AMI Mambog 2, Brgy. Mambog 2, Bacoor City, Cavite.

Isa sa mga suspek ang unang pumasok sa loob at nagpanggap na kustomer habang ang kasama nito ay naiwan sa labas at nagsilbing lookout.

Nang makatiyempo ang suspek, dito na siya nagdeklara ng holdap at tinutukan ng baril ang kahera na si alyas Angel at mabilis na nilimas ang laman ng kaha.Kapwa nakasuot na jacket ang dalawang suspek, naka-helmet at may mga suot ding face mask.

Matapos ang panghoholdap ay mabilis na tumakas ang mga ito sakay ng 1 motorsiklo. Kasalukuyan ng nagsasagawa mg follow up ang pulisya hinggil sa insidente.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with