Rider, angkas dedo sa truck sa Quezon province

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Patay agad ang isang motorcycle rider at kanyang angkas makaraang bumangga ang kanilang sinasakyan sa isang trak na nakaparada sa gilid ng highway na sakop ng Barangay Masin Norte sa bayang ito, kamakalawa ng madaling araw. 

Dahil kapwa walang mga suot na helmet, parehong nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina alyas Jun, driver ng motorsiklo at Emerson Allison, 21, kapwa ng Barangay Bukal Sur.  Nasa kustodya naman ng pulisya ang tsuper ng Isuzu tractor head na si alyas Don ng  Naga, Camarines Sur. 

Base sa imbestigasyon ng Candelaria PNP, dakong alas-2:30 ng mada­ling araw ay mabilis na tinatahak ng mga biktimang sakay ng Honda CB motorcycle ang kahabaan ng Maharlika highway nang bumangga sila sa nakaparadang trak na nasa direksyon ng Maynila at pansamantalang nakaparada sa gilid ng kalye.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, agad na nalagutan ng hininga ang mga biktima.

Show comments