Suweldo ng mga empleyado, itinakbo

MANILA, Philippines — Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang empleyado na umanoy itinakbo ang perang pampasweldo sa mga kasamahang empleyado matapos na utusang i-encash ang cheke, kamakalawa ng hapon sa Dasmariñas City,Cavite .

Sa ulat ng pulisya, alas-5:00 ng hapon nang magtungo ng personal sa pulisya ang management ng Bargn Farmaceutical Phils Company na si Ofelia Atayde kasama ang tumayong witness upang sampahan ng reklamo ang isa nilang empleyado na kinilala sa alyas na Johnrey.

Sa salaysay sa pulisya, alas-2:40 ng hapon ng utusan nito ang suspek na i-encash ang cheke na nagkakahalaga ng Php 192,429.38 sa bangko.

Pampasweldo di umano sa kanilang mga empleyado ang nasabing pera,Subalit matapos na ito ay ma-encash ay  hindi na ito bumalik sa opisina at tinangay ang nasabing pera at motorsiklo ng kumpanya.

Kakasuhan ng Qualified Theft and Carnapping ng motorsiklo ang suspek.

Show comments