UV driver, factory worker huli sa P3.4 milyong shabu sa mall parking

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang dalawang bigtime dealer at pusher ng shabu sa iniltag na drug bust operation sa isang parking lot ng kilalang mall sa lungsod ng Bacoor, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:45 ng hapon nang ikasa ng PDEA 4-A, RSET 1 at 2 ang isang buy-bust laban sa dalawang suspek na kinilalang sina alyas “Datu”, 46 ng General Trias, Utility Van driver at kaanak na si alyas “Makadaya”, 31-anyos, factory worker ng Brgy. Dalandanan Malanday, Valenzuela City.

Sa open parking Lot ng malaking mall sa Bacoor Brgy. Habay 2, Bacoor City naganap ang transaksyon at bago ito, nauna na palang plano ng drug deal sa Parañaque City, subalit matinik ang mga suspek at binago ang lugar na natuloy sa Cavite.

Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit sa 500 gramo ng shabu na may halagang 3.4 milyong piso.

Show comments