7 bahay inararo ng truck: 6 dedo!

Ayon sa inisyal na ulat ng Calbayog City Police, ang mga nasawi ay apat na babae at dala­wang lalaki na miyem­bro ng mga pamilya Ompad at Velarde na noon ay natutulog sa kanilang mga bahay nang maganap ang aksidente.
STAR/File

MANILA, Philippines — Anim katao ang kumpirmadong patay kabilang ang magkakapamilya matapos na araruhin ng humahagibis na truck ang pitong bahay kahapon ng madaling araw sa Tinambacan District, Calba­yog City, Samar.

Ayon sa inisyal na ulat ng Calbayog City Police, ang mga nasawi ay apat na babae at dala­wang lalaki na miyem­bro ng mga pamilya Ompad at Velarde na noon ay natutulog sa kanilang mga bahay nang maganap ang aksidente.

Isa pang biktima ang kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Arestado naman ang driver ng truck na si alyas “Chiko”, 40, ng Caloocan City. 

Nangyari ang aksidente bandang alas-12 ng madaling araw sa Maharlika highway sa Brgy. Caglanipao Sur, Tinambacan District, Calbayog City, Samar.

Ayon sa report ng Calbayog City Police, galing bayan ng Naval sa Biliran province ang self loader truck at patungong bayan ng Allen, Northern Samar nang mawalan umano ito ng preno.

Dahil dito, tuluy-tuloy ang truck hanggang sa araruhin ang pitong bahay.

Sugatan din ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, physical injury at damage to pro­perties.

Show comments