25 bagong ambulansiya kaloob sa Eastern Visayas

MANILA, Philippines — Upang makasagip ng buhay at  matulungan ang mga pasyenteng kailangang ibiyahe sa rehiyon, 25 na bagong ambulansya ang inihandog nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Tingog Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre sa Region 8 o Eastern Visayas.

Ang turnover ceremony sa mga ambulansya ay ginanap sa Madison Park Hotel, Manlurip, Tacloban City noong Hunyo 28 kung saan nakatuwang ng Tingog Party­list sa proyekto ang Department of Health (DOH) na nakabase sa rehiyon.

Ang Eastern Visayas Region ang nakatanggap ng pinakamaraming ambulansya mula sa Tingog Party-list na itinuturing na isang mahalagang hakbang upang mapalakas ang kakayanan na rumesponde sa mga emergency sa rehiyon.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng mga bagong ambulansya ay ang San Miguel Rural Health Unit, San Policarpo Rural Health Unit, Arteche Rural Health Unit, Maydolong Rural Health Unit, at Pastrana Health Unit.

“Accessible healthcare continues to be a challenge Tingog is committed to solve. This turnover is a step forward in ensuring Filipinos receive essential government services,” ayon kay Rep. Acidre.

Ang turnover ceremony ay pina­ngunahan nina Rep. Yedda Marie K. Romualdez, Rep. Acidre, at Regional Director Exuperia B. Sabalberino, MD, MPH, CESe.

Samantala, inilunsad rin ng mga opisyal ang kauna-unahang automated at state of the art na HPV-DNA screening platform para sa cervical cancer sa Eastern Visayas.

Show comments