Mister ginilitan sa leeg ng kainuman, patay!

Hinawakan sa ulo na parang manok

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister nang parang manok na gilitan ng leeg ng kanyang kainuman matapos na mauwi sa alitan ang kanilang inuman sa Rodriguez, Rizal kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Ynares Hospital ang biktimang si Edwin Zarandona, 59, magsasaka at residente ng Sitio Yagit Hills Side, Brgy. San Rafael, Rodriguez habang arestado naman ang suspek na si Ronnie Dinla, 33, signage installer at residente ng Brgy. San Rafael, Rodriguez.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police, dakong alas-6:10 ng gabi nang maganap ang krimen sa Brgy. San Rafael, sa Rodriguez. Sa gitna ng masayang inuman ng biktima at suspek ay biglang nagkapikunan sa ‘di pa malamang kadahilanan.

Nauwi ang insidente sa mainitang pagtatalo hanggang sa magkasuntukan ang dalawa.

Ayon sa testigo, nakita na lang nila ang suspek na hawak na sa ulo ang biktima at saka ito ginilitan sa leeg na parang manok.

Nakatawag naman ng mga pulis ang mga testigo at naaresto ang suspek na mahaharap sa kasong pagpatay.

Show comments