MANILA, Philippines — Isang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa highway ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Quezon Police Provincial Office, tinatayang nasa 35-45 anyos ang patay na lalaki na nadiskubre sa gilid ng Eco-Tourism road sa Brgy. Castañas dakong alas-9 ng gabi nitong Biyernes.
Bukod sa gapos sa mga kamay gamit ang nylon chord at may mga tama ng bala ng baril sa likod ang biktima.
Sa pahayag ng mga residente, hindi taga roon ang biktima at hinihinalang pinatay ito sa ibang lugar at itinapon lamang doon ang bangkay.
Ang nasabing lugar na malapit sa boundary ng Sariaya, Quezon at Lucena City ay nagiging paboritong tapunan ng mga nagiging biktima ng summary execution ng mga hindi natutukoy na mga salarin.