MANILA, Philippines — Hindi ligtas na kainin ang shellfish meat tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa karagatan ng Samar.
Ito ang anunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) makaraang mapatunayan sa isinagawang pagsusuri na may Pyrodinium bahamense, isang toxic micro-organism na nagdudulot ng paralytic shellfish poisoning (PSP) sa baybayin ng Samar.
Partikular na apektado ng naturang organismo ang Irong-Irong Bay sa Catbalogan City, Samar at sa Matarinao Bay sa General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar.
Bukod sa shellfish meat, bawal ding kainin ang alamang mula sa naturang baybayin.
Sa kabila nito, ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango mula sa naturang baybayin basta’t linisin munang mabuti bago lutuin at kainin.