Kasapi ng NPA liquidation squad, arestado

OAS, Albay, Philippines — Kalaboso ang isang kasapi ng liquidation squad ng New People’s Army (NPA) matapos na maaresto sa ginawang warrant of arrest operation ng mga pulis sa pinagtataguang lugar nito sa Brgy. Ilaor, Oas, Albay kamakalawa ng hapon.

Ang suspek na nakakulong na sa BJMP District Jail sa natu­rang bayan ay kinilala sa alyas na “Ka Andy”, 30-anyos, residente ng Brgy. Lomacao, Gui­nobatan, at umano’y miyembro ng liquidation squad ng NPA sa ilalim nang pamamahala ni Ramon Adonis alyas “Ka Ambo”.

Sa ulat, mag-aalas-5 ng hapon nang maispatan ang komunista sa Brgy. Ilaor ng Oas kaya agad bumuo ng arresting team ang Oas Police at Albay Police Provincial Office.

Bitbit ang warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa kasong paglabag sa RA 10168 o Anti-terrorism Financing Prevention and Suppression Act ay mabilis na sinalakay ng mga pulis ang lugar ng suspek na hindi na rin pumalag at kusang sumuko.

Show comments