^

Probinsiya

Taga-Laguna wagi ng P70.4 million sa lotto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lucky bettor mula sa Laguna ang solong nakapag-uwi ng P70.4 milyong jackpot ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Chari­ty Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.

Sa inilabas na abiso ng PCSO kahapon, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning number combination na 40-11-25-07-27-30 ng Lotto 6/42, na may katumbas na jackpot prize na P70,440,258.20.

Nabili umano ng mapalad na mananaya ang kanyang lucky ticket sa Cabuyao City, Laguna.

Upang makubra ang kanyang premyo, pinayuhan naman ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Mel Robles ang lucky winner na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City. Kailangan rin aniya nitong iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang identification cards.

Pinaalalahanan din naman ni Robles ang lucky bettor na ang lahat ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa ng pagbola rito ay mapupunta sa kanilang Charity Funds habang ang mga premyong lampas ng P10,000 ay papatawan ng 20% tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law (TRAIN Law).

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with