^

Probinsiya

Mag-ina hinoldap: Nanay pinagsasaksak, patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang ina matapos pagsasaksakin ng isang holdaper habang nakaligtas ang kasama niyang menor-de-edad na anak, kamakalawa sa Brgy. Niugan, Laurel, Batangas.

Hindi bababa sa limang saksak ang tinamo ng biktima na kinilalang si Erma Salazar, residente ng nasabing lugar habang hindi sinaktan kanyang kasama anak na lalaki.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:30 ng umaga habang magkasama ang mag-ina lulan ng kanilang motorsiklo at pababa na sana sila sa sasakyan nang dikitan sila ng isa ring motor sakay ang isang lalaki.

Agad na inundayan ng suspek ng sunud-sunod na saksak ang ginang sa harap ng kanyang anak saka mabilis na kinuha at tinangay ng salarin ang itim na bag na dala ng mag-ina.

Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

Hinihinalang may malaking halagang dala ang mag-ina bukod pa sa mga cellphone na nakalagay sa bag na tinangay ng suspek.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with