2 HVI timbog sa higit P400K shabu sa Bacoor

Kapwa nasa high value individual (HVI) list ng pulisya ang dalawang suspek na nakilala sa mga alyas na Christian at Chris Joy, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Bacoor City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAVITE, Philippines — Nasabat ng pulisya ang dalawang hinihinalang drug pusher sa inilatag na buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Brgy. Habay 1, Bacoor City.

Kapwa nasa high value individual (HVI) list ng pulisya ang dalawang suspek na nakilala sa mga alyas na Christian at Chris Joy, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Bacoor City.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:45 ng madaling araw nang ilatag ng mga ­operatiba ng Bacoor Component City Station-Drug Enforcement Unit ang buy-bust laban sa dalawang suspek.

Nang magkaabutan ng droga at marked mo­ney ay agad inaresto ang dalawang suspek.

Nakumpiska sa kanila ang 8-selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng mahigit 60 gramong shabu na may halagang P408,000.

Nasamsam din sa mga suspek ang dalawang cal, 38 na bariil na kargado ng mga bala.

Show comments