Barangay staff sa Cebu City, itinumba sa karinderya

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Edward Aba­yan, 44, admin officer 3 ng barangay hall.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang empleyado ng Barangay Mambaling sa Cebu City matapos na barilin sa ulo ng hindi kilalang salarin sa Barangay Duljo Fatima nitong Lunes ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Edward Aba­yan, 44, admin officer 3 ng barangay hall.

Nakasaad sa report ng Cebu City Police Office, dakong ala-1 ng tanghali nang mangyari ang insidente sa isang karinderya.

Kumakain ang biktima sa karinderya sa Spolarium Street nang lapitan ng gunman na nakasuot ng long sleeve, sumbrero at face mask at binaril sa ulo.

Ayon sa mga saksi, naglakad lamang papalayo ang salarin matapos ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari at inaalam ang motibo sa krimen.

Show comments