Abuyog, Leyte nilindol ng 5.8 magnitude
MANILA, Philippines — Niyugyog ng nasa 5.8 magnitude na lindo ang Abuyog, Leyte alas 6:16 ng gabi ng Biyernes Mayo 3.
Ayon sa ulat ng Phil. Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas6:16 ng gabi ng tumama ang lindol at ang sentro nito ay nasa may 036 kilometro ng hilagang silangan ng Abuyog, Leyte.
Umaabot naman sa 010 kilometro ang lalim ng lupa ng lindol at tectonic ang ugat ng lindol.
Dulot nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 5 sa Abuyog, Burauen, Dulag, La Paz, Macarthur, Mahaplag, Tabontabon, at Tolosa, Leyte; Hinunangan, Hinundayan, at Silago,Southern Leyte.
Intensity 4 ang naitala sa Jagna, Bohol; Balangiga, City of Borongan, General Macarthur, Giporlos, Hernani, Lawaan, Llorente, at Quinapondan, Eeastern Samar; Barugo, City of Baybay, Calubian, Dagami, Hilongos, Jaro, Javier, Julita, Kananga, Palo, Pastrana, San Miguel, at Santa Fe, Leyte, Ormoc City, Tabloban City, Basey, Samar; Bontoc, Malitbog, at Sogod, Southern Leyte.
Intensity 3 naman ang naramdaman sa Tagbilaran City, Bohol, City of Surigao, Surigao del Norte samantalang Intensity 2 sa City of Bogo, Cebu; Pintuyan, Southern Leyte .
Ayon sa Phivolcs, asahan na ang pinsala sa naganap na pagyanig at pagkakaroon ng mga aftershocks.
- Latest