^

Probinsiya

Convenience store sa Rizal, hinoldap ng 3

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinoldap ng tatlong lalaking pawang nakasuot ng itim ang isang kilalang convenience store sa Angono, Rizal, madaling araw ng Sabado.

Sa ulat ng Angono Municipal Police Station, alas-2:00 ng madaling araw ng Abril 6, 2024 nang maganap ang panghoholdap sa 7/11 convenience store na matatagpuan sa MLQ Avenue, Barangay San Isidro ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, pumasok ang tatlong lalaki na isa ang may hawak na baril at nagdeklara ng holdap.

Habang nakatutok ang baril sa mga store crew ay sapilitang winasak ng isang suspek ang vault na kinalalagyan ng pera.

Hindi pa tukoy kung magkano ang laman ng vault na natangay ng mga suspek na sakay umano ng isang motorsiklo.

Hindi rin naplakahan ang isang motorsiklo na hindi matukoy kung anong modelo at brand. 

vuukle comment

ANGONO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with