^

Probinsiya

Kagawad itinumba ng tandem sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Kagawad itinumba ng tandem sa Quezon
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilala ng pulisya na si Joseph Ancit, 59-anyos, barangay kagawad at residente ng Sitio Maruk Barok, Brgy Camflora ng nasabing bayan.
STAR/File

SAN ANDRES, QUEZON, Philippines — Patay ang isang incumbent barangay kagawad matapos pagbabarilin ng motorcycle riding-in-tandem kamakalawa ng hapon sa Sitio Putot, Barangay Camflora sa bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilala ng pulisya na si Joseph Ancit, 59-anyos, barangay kagawad at residente ng Sitio Maruk Barok, Brgy Camflora ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, sakay ang biktima ng isang motorsiklo at binabagtas ang kalye patungo sa kanyang bahay dakong alas-5:15 ng hapon nang buntutan ng isa pang motorsiklo na lulan ang dalawang hindi nakikilalang lalaki.

Nang bahagya umanong huminto ang biktima ay doon na siya pinaulanan ng punglo ng mga salarin saka mabilis na tumakas.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa ginawang pamamaslang sa barangay kagawad.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with