^

Probinsiya

2 cold storage facility ng sibuyas sa Nueva Ecija, kaloob ng DA

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Dalawang cold storage facility para pag-imbakan ng sibuyas ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) dito sa lalawigan.

Sinabi ni DA Regional Field Office III High Value Crops Deve­lopment Program focal person AB David, ang bawat pasilidad na may kapasidad na mag-imbak ng 20,000 red bags o humigit-kumulang na 540,000 kilo ng sibuyas ay malaking tulong sa mga magsasaka na may pangangailangan ng lugar na mapag-iimbakan ng kanilang mga inaning sibuyas upang maiwasan ang agarang pagkasira nito.

“Sa tulong ng mga post-harvest facility na ito, tiyak na magkakaroon ng venue ang mga magsasaka para mag-imbak ng kanilang ani, na makakatulong din sa pagtiyak na “stable” ang supply ng sibuyas sa bansa kahit hindi panahon ng pag-ani, lalo na’t minsan lang nangyayari ang panahon ng pagtatanim ng sibuyas sa loob ng isang taon,” dagdag pa ni David.

Ang mga sibuyas na nakaimbak sa isang regular na pasilidad ay maaaring tumagal mula isa hanggang tatlong buwan. Sa paghahambing, ang mga inilagay sa mga pasilidad ng cold storage ay maaa­ring tumagal ng 6-8 na buwan para sa pulang sibuyas at 4-6 na buwan para sa dilaw na sibuyas.

Idinagdag ni David na ang bawat isang pasilidad ay nagkakahalaga ng P38.07-M, at magsisilbi sa may 122 miyembro ng San Vicente Alintutuan Irrigators Association mula sa munisipalidad ng Laur at 71 na miyembro ng Calancuasan Sur Farmers Association mula sa bayan ng Cuyapo.

Bukod rito, nakatakda ring magtayo ang DA ng dalawa pang pasilidad para sa mga nagtatanim ng sibuyas sa lungsod ng Palayan at sa munisipalidad ng Gabaldon.

Target na magsimula ang konstruksiyon ng mga pasilidad ngayong katapusan ng Marso o unang linggo ng Abril.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with