Magdyowa tiklo sa higit P200K shabu

CAVITE, Philippines — Arestado ang magdyowa na kapwa nasa high value target ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation kamakalawa sa Brgy. Zapote 2, Bacoor City.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Carlo”, 28-anyos at alyas “Jen”, 25-anyos, residente ng Bacoor City.

Sa nakalap na ulat mula sa pulisya, alas-6 ng umaga nang ilatag ng Bacoor Component City Police Station, Drug Enforcement Unit ang buy-bust laban sa dalawang suspek.

Narekober sa mga suspek ang may tatlong plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 30 gramo at aabot sa halagang P204,000

Show comments