Pabrika nasunog: 3 miyembro ng pamilya, patay

Sa ulat na nakara­ting sa tanggapan ni Bulacan Police Director PCol. Relly Arnedo, kinilala ang mga nasawi na sina Artemio Ines Jr., 40-anyos; live-in partner niyang si Chrestina Ababon, 40; kapwa stay In production worker, at ang anak nilang si Angel, 7-anyos.
STAR/ File

MEYCAUAYAN CITY, Philippines — Tatlong katao kabilang ang isang bata ang kumpirmadong nasawi sa nangyaring sunog sa isang pabrika sa Brgy. Libtong ng lungsod na ito, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na nakara­ting sa tanggapan ni Bulacan Police Director PCol. Relly Arnedo, kinilala ang mga nasawi na sina Artemio Ines Jr., 40-anyos; live-in partner niyang si Chrestina Ababon, 40; kapwa stay In production worker, at ang anak nilang si Angel, 7-anyos.

Hindi pa matukoy kung anong oras nagsimula ang sunog pero naideklara itong fire out dakong alas-3:28 ng madaling araw kahapon sa Akilan Scrap Trading sa #9 R Soriano St., Brgy. Libtong, Meycauayan City, Bulacan

Nabatid na nadiskubre ng mga rumes­pondeng personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang bangkay ng tatlong biktima nang maapula na nila ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Hindi pa makapagbigay ng anumang impormasyon si Meycauayan Fire Inspector Lauro Claus kung ano ang pinagmulan ng sunog sa pabrika at maging ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

Show comments