Swissman dinakip sa bomb joke sa airport
MANILA, Philippines — Inaresto ng pulisya ang isang 63-anyos na Swiss na lalaki dahil sa bomb joke na ginawa sa Siargao Domestic Airport nitong Martes.
Kinilala ang dayuhan sa alyas ‘Pet’ na dalawang beses umanong nagbitaw ng bomb joke na papaalis na sa isla matapos magbakasyon habang nasa airport sa Barangay Sayak, Del Carmen, Surigao del Norte.
Mismong ang duty Passenger Service Agent ang nakarinig sa suspek na nag-udyok sa kanya na isumbong siya sa airport police.
Ininspeksyon ng pulisya ang paliparan at sinuri ang mga bagahe ng mga pasahero.
Wala namang nakitang pampasabog matapos ang inspeksyon.
Pinaalalahanan naman ni Police Brig. Gen. Kirby John Kraft, Police Regional Office-13 director, ang mga pasahero na huwag gumawa ng bomb joke sa alinmang paliparan sa bansa.
Sinabi ni Kraft na nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727 ang nasabing dayuhan mula sa Schweiz, Switzerland.
- Latest