Drug den sa Bacoor ni-raid: 5 tiklo sa shabu session

CAVITE, Philippines — Lima katao na halos magkakamag-anak ang inaresto matapos maaktuhang nagsasagawa umano ng shabu session sa isinagawang pagsalakay ng awtoridad sa isang hinihinalang drug den, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Nicolas 1, Bacoor City.

Kinilala lang ang mga dinakip na sina Fernando Jarabello, 34-anyos; Ro­nald Villamayor, 40; Johnny Nungay, 52; Johnlee Nungay, 27, at Jeffrey Villamayor, 39; pawang residente ng Tahoan Compound, Brgy. Nicolas I, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-8:25 ng gabi nang salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cavite at Bacoor City Police-SDEU ang lugar kung saan ginawa umanong drug den ng limang suspek ang isang maliit na bahay sa halos looban na.

Naabutan ng pulisya ang mga suspek na nagsasagawa umano ng shabu session at narekober sa kanila ang may mahigit sa 12 gramo ng shabu, mga aluminum foil, plastic sachet at iba pang mga drug paraphernalia.

Show comments