Babuyan sa 3 bayan sa Occidental Mindoro, ligtas sa ASF

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Department of Agriculure-Bureau of Animal Industry (BAI) na ligtas sa African Swine Fever (ASF) ang mga alagaing baboy sa tatlong bayan ng Occidental Mindoro, batay sa latest analysis ng blood samples sa mga baboy sa naturang mga lugar.

Ang pahayag ng DA-BAI ay ginawa nang magsagawa ng meat inspection checkpoints at qua­rantined producers sa Occidental Mindoro matapos mapaulat ang ASF outbreak sa mga bayan ng San Jose, Santa Cruz, at Rizal.

Napigilan ang inaasahang pagkalat ng ASF dulot ng matinding pagtutulungan ng DA-BAI, local government units at ibat ibang ahensiya.

Nanawagan din ang BAI sa publiko na agad ipaalam sa kanilang tanggapan ang mararanasang pagkakasakit ng mga alagaing hayop tulad ng baboy para agad malapatan ng lunas at mapigilan ang paghawa ng sakit sa ibang hayupan.

Show comments