MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na sisimulan na nila ang pagtatayo ng housing project sa lalawigan ng Bataan sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino program.
Ayon sa DHSUD, sa isinagawnag groundbreaking ceremony ng 1 Bataan Village-Orion Phase 2 project, hudyat na ito na tuloy na tuloy na ang proyekto na magbibigay ng maayos na tahanan sa mga residente sa nasabing lalawigan.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni DHSUD Assistant Secretary Hanica Rachel Ong at Bataan 2nd District Representative Albert Garcia.
Matatagpuan sa Barangay Daan Pare, ang nasabing proyekto na naglalayong magbigay ng ligtas, disente, matatag at abot-kayang mga tahanan.
Nabatid na mahigit 6,450 na benepisyaryo ang inaasahan nang makikinabang sa pabahay.
Tiniyak ng DHSUD sa Bataan Officials ang kinakailangang suporta para sa tagumpay ng proyekto.