^

Probinsiya

2 Cameroonian, timbog sa ‘black money’ scam

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 Cameroonian, timbog sa âblack moneyâ scam
Nabisto ang foreign nationals suspects nitong Miyerkules sa isang establisimyento sa Barangay Isidro nang napapayag nila ang biktima na maglabas ng pera para ipambili ng chemical compound panglinis ng US dollar bills na kung saan ay makakakuha ang biktima ng 15 porsiyentong komisyon.
STAR / File

MANILA, Philippines — Naaresto ng pulisya ang dalawang Came­roonian na sangkot sa “black money” scam na gumagamit umano ng pekeng pera para makapambiktima sa Cainta, Rizal.

Nabisto ang foreign nationals suspects nitong Miyerkules sa isang establisimyento sa Barangay Isidro nang napapayag nila ang biktima na maglabas ng pera para ipambili ng chemical compound panglinis ng US dollar bills na kung saan ay makakakuha ang biktima ng 15 porsiyentong komisyon.

Nagduda na ang biktima nang mag-demo sa kaniya ang mga suspek na sa pamamagitan ng isang steaming machine ay napapalitan na umano ng peke ang mga pera kaya’t dito na siya humingi ng saklolo at nadakip ang mga suspek.

“Ang modus ope­randi na ito ay kinukuha nila ang loob ng biktima, matagal na process, it could take months… tapos i-invite na mag-invest sa kanila at masabi ng suspect na mayroon silang stained dollar o tinatawag na ‘black money’ na hinuhugasan ng isang chemical compound na makukuha sa local notes natin,” ani P/Lt Col. Mark Anthony Ani­ngalan, hepe ng Cainta police.

“May 1 million na fake currency, one thousand pieces na fake currency,” aniya. “Nahalata ng biktima na siya ay na-scam. What he did is nagsumbong siya sa security [sa area] na siya ay naloko. At doon ay nahuli siya (suspek),” dagdag ni Aningalan.

Narekober mula sa mga suspek ang isang malaking black backpack na may lamang isang styro foam box na may wire na tinakpan ng duct tape o ang tinatawag na steaming machine at isang libong piraso ng hinihinalang pekeng tig-P1,000 bills na nagkakahalaga ng P1 milyon.

Proseso sa naturang scam ang paglagay ng mga suspek ng pekeng pera sa isang styrofoam na balot ng bulak sa loob na tinatawag nilang “steaming machine.”

Ito ay panglinis sa kemikal na mayroon umanong tunay na pera na layunin umano nito na mapalitan ang tunay na pera ng peke.

Dagdag ng pulisya, walang katotohanan na puwedeng mahugasan ng kemikal ang isang bank note.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang mga suspek na dati na umanong may kasong estafa at illegal possession of firearms.

Kasong swindling at violation sa Article 168 ng Revised Penal Code dahil sa illegal possession and use of false treasury or bank notes ang ikinaso sa dalawang suspek.

NAARESTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with