Higit P.5 milyong shabu samsam sa 2 HVI

Kinilala lamang ang dalawang suspek sa mga alias na “Jovie” at “Argel”, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Bacoor City at nasa listahan ng mga HVI ng pulisya.
Philstar.com / John Unson, file

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang dalawang high value individual (HVI) matapos masamsaman ng may mahigit sa kalahating milyong pisong halaga ng droga sa inilatag na operasyon kamakalawa ng gabi sa Brgy. Panapaan 4, Bacoor City.

Kinilala lamang ang dalawang suspek sa mga alias na “Jovie” at “Argel”, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Bacoor City at nasa listahan ng mga HVI ng pulisya.

Sa nakalap na ulat sa Bacoor Police, alas-9:45 ng gabi nang maglatag ng drug bust ang puwersa ng Drug Enforcement Unit ng Bacoor City Police kasama ang ilang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency laban sa dalawang suspek. 

Bago ang operasyon, ilang araw ring minanmanan ng grupo ang suspek bago inilatag ang buy-bust operation.

Narekober sa mga suspek ang 13 selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng mga shabu na may timbang na 75 gramo at aabot sa halagang P517,500 at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Show comments