5 bayan pa sa Oriental Mindoro nasa ‘state of calamity’ sa ASF

File photo shows hogs in a local piggery.
AFP, File

MANILA, Philippines — Dahil sa African Swine Fever (ASF) o mapamin­salang sakit ng baboy, lima pang bayan sa Oriental Mindoro ang isinailalim sa state of calamity.

Sa isang radio interview kay Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz “ Dolor, sinabi nito na kabilang sa mga bayan na nadagdag pa sa state of calamity ay ang Pinamalayan, Naujan, Bansud, Bongabong at Bulalacao.

Nitong Biyernes, ay isinailalim ang bayan ng Pola sa state of calamity dahil sa pamiminsala ng ASF sa mga babuyan.

Samantalang una nang inilagay sa state of calamity ang mga bayan ng Mansalay at Roxas matapos na matukoy ang pagkalat ng ASF sa mga alagang baboy ng mga residente dito.

Sa kabuuan, ayon sa opisyal ay walong munisipalidad na ng Oriental Mindoro ang nasa state of calamity dahil sa ASF.

Ang ASF ay isang nakakahawang viral di­sease sa mga domestic at maging sa mga ligaw na baboy na ang mortality rate ay maaaring umabot sa 100 %.

Kaugnay nito, nagpatupad ng paghihigpit sa mga checkpoints sa lahat ng hangganan ng mga bayan sa lalawigan upang tiyakin na hindi na kakalat pa ang ASF sa mga alagang baboy.

Show comments