MANILA, Philippines — Pinaalerto ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Pangasinan ang lahat ng coastal municipalities at cities sa lalawigan na bantayan ang kanilang nasasakupang baybayin na inaasahang dadagsain ngayon ng mga tao kasabay sa paggunita ng Undas.
Tinatarget ng PDRRMO ang ‘zero drowning incident’ ngayong Undas kasabay sa long weekend kaya’t ipinag-utos sa kanilang mga counterpart sa munisipiyo ang mahigpit na pagbabantay sa kanilang mga nasasakupan.
Bukod sa mga baybayin ay pinapatutukan rin ng PDRRMO ang mga sakop na ilog, sapa, irigasyon at iba pa na maaring puntahan o bisitahin ng mga tao na nais maligo dala na rin ng maalinsangang panahon.
Ipinaalala rin sa mga lokal na pamahalaan na magtalaga ng mga magbabantay sa ganitong mga lugar para mapaalalahanan at ma-monitor ang mga tao lalo na ang mga bisita o dayo lamang sa isang lugar na madalas ay nagiging biktima ng pagkalunod.