^

Probinsiya

2 mangingisda sa Quezon province, 3-araw nagpalutang-lutang sa dagat, nasagip

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN FRANCISCO, Quezon, Philippines — Dalawang mangingisda na residente ng bayang ito ang nakaligtas matapos magpalutang-lutang ng tatlong araw ang kanilang bangka sa karagatang sakop ng Romblon.

Ayon sa ulat, pumalaot ang mga mangingis­da na sina Ronnie Latiado, 24-anyos at Edlyn Es­quilona, 26-anyos na parehong residente ng Barangay Pagsanghan, San Francisco, Quezon noong Lunes, Oktubre 16, 2023. Nagpasya silang umuwi noong Martes ng umaga subalit nag­karoon ng problema sa makina ang kanilang bangka.

Sinubukan ng dalawang mangingisda na palitan ang kanilang makina ngunit nabigo sila, na naging sanhi ng pag-anod nila ng ilang araw habang naghihintay ng tulong ngunit walang ibang sasakyang pandagat ang nakapansin sa kanila.

Nagpalutang-lutang ang dalawang mangingisda sa dagat hanggang ma-rescue ng mga otoridad sa may Brgy. Alegria, Corcuera, Romblon nitong Biyernes. Dinala sila sa Malipayon District Hospital at natukoy naman na nasa maayos si­lang kondisyon.  Binigyan din sila ng pansaman­talang tirahan at mga pangangailangan tulad ng pagkain.

Nakipag-ugnayan na ang mga tauhan ng Coast Guard Command Outpost Corcuera sa MDRRMO San Francisco, Quezon para sa pag-uwi ng dalawang mangingisda.

FISHER

RESCUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with