^

Probinsiya

Dagdag na pulis at sundalo, hirit sa Abra

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Dagdag na pulis at sundalo, hirit sa Abra
Ang panawagan ng mga nasabing opisyal ng Abra ay sanhi ng kinakaharap at tumataas na tensyon sa lalawigan makaraan ang naganap na sagupaan sa pagitan ng pulisya at armadong grupo sa bayan ng Bucay.
STAR/ File

BAGUIO CITY, Philippines — Hi­nimok nina Abra Gov. Dominic Valera at Vice Gov. Ma. Jocelyn Bernos ang pamalahaang nasyunal na dagdagan pa ang security forces nito sa lalawigan bilang paghahanda sa posibilidad na pagdami ng election-related violence habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ang panawagan ng mga nasabing opisyal ng Abra ay sanhi ng kinakaharap at tumataas na tensyon sa lalawigan makaraan ang naganap na sagupaan sa pagitan ng pulisya at armadong grupo sa bayan ng Bucay.

Sa opisyal na paha­yag ni Gov. Valera, umapela ito sa mga Abrenians na manatiling kalmado at mapanuri kaalinsabay ng pagkondena nito sa mala-terorismong pagkilos ng mga hindi pa kilalang armadong kalalakihang kumakatok sa mga kabahayan at sapilitang ibinubuyo ang kanilang mga kandidato.

Binigyan-diin nito na sa nakalipas na dalawang halalan ay natunghayan ng mga mamamayan ng Abra ang isang “conflict-free” at mapayapang komunidad.

Hinimok ni Valera ang PNP at AFP na magtalaga ng karagdagang puwersa sa Abra upang masiguro na matutunghayan ang isang malaya, matiwasay, makatotohanan at payapang BSKE sa Oktubre 30.

Ikinaalarma rin ni Gov. Valera ang pagbawi ng may 122 kandidato sa barangay at sangguniang kabataan ng kanilang mga kandidatura maliban pa sa mga board of election inspectors dahil sa diumano’y pamumuwersa at pananakot sa ang mga ito.

Batay sa ulat ng Comelec-Abra, 44 guro, 13 dito ay mula sa Bucay; 14 mula sa Pilar na napasailalim sa Comelec control noong 2022 elections; tatlo sa Lagayan, anim sa Lagangilang at walo mula sa Bangued, ang umayaw nang manilbihan sa BSKE.

Una nang inihayag ni Cordillera police director BGen. David K. Peredo na walang anumang ugnayan sa pagitan ng mga kaso ang napatay mula sa engkuwento ng pulisya at armadong grupo noong Oktubre 9, 2023 na si Romnick Balmaceda at Bucay Mayor Jay Dominador C. Go, kabilang na ang dalawang indibiduwal na kasama sa 9 na armadong nakibakbakan sa mga pulis.

PEREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with