Barangay treasurer, utas sa ambush

Dead on the spot si Mateo Rasonable, 41, ng Brgy. Mataloto Leyte, Leyte habang ginagamot sa ospital si  Angielyn Gulanie, 86 ng Brgy. Cabu­ngahan, Villaba Leyte at kasapi ng KALAHI Barangay Development Council (BDC).
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Isang barangay trea­surer ang nasawi habang sugatan ang angkas nito matapos  tam­bangan ng hindi pa kilalang suspek kama­kalawa sa Leyte.

Dead on the spot si Mateo Rasonable, 41, ng Brgy. Mataloto Leyte, Leyte habang ginagamot sa ospital si  Angielyn Gulanie, 86 ng Brgy. Cabu­ngahan, Villaba Leyte at kasapi ng KALAHI Barangay Development Council (BDC).

Batay sa report ng Villaba Municipal Police Station, bandang alas-2:20 ng hapon nitong Huwebes nang maganap ang krimen sa Brgy. Cabungahan, Villaba, Leyte.

Pauwi na ang dalawang biktima sakay ng motorsiklo na minamaneho ni Rasonable, galing sa Land Bank-Ca­rigara Leyte nang bigla na lamang silang tambangan ng tatlong kalalakihan na sakay rin ng motorsiklo saka mabilis na nagsitakas.

Nagtamo ng mara­ming tama ng bala ng baril sa katawan si Rasonable na na­ging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang dinala naman sa OSPA hospital Ormoc si Gulanie para lapatan ng lunas ang tinamong sugat.

Show comments