6-anyos na-shoot sa kanal, tepok

MANILA, Philippines — Patay ang isang 6-anyos na batang babae matapos siyang madulas sa baha at lumusot sa kanal sa La Trinidad, Benguet.

Nangyari ang  insidente sa pababang bahagi ng kalsada sa Barangay Lubas, La Trinidad ng nasabing lalawigan.

Makikita sa kuha ng CCTV na papauwi na ang biktima kasama ang kapatid sa gitna ng  malakas na buhos ng ulan. Subalit nadulas ang bata sa gilid ng kalsada bago tuluyang mahulog sa kanal.

Sinabi ng mga rescuer na pahirapan ang pagpasok sa kanal dahil sa lalim ng baha.

Naisugod pa sa ospital ang bata ngunit hindi na umabot nang buhay.

Show comments